NITONG nakaraang bakasyon, nagpaabot ng babala ang ilang opisyal ng barangay sa Quezon City kaugnay ng biglaang pagkawala ng 21-anyos anak ng isang homeowner sa New Manila, Quezon City.
Nagbisikleta lang umano ang kanilang 21-anyos na anak sa 11th St., at Hemady pero hindi na nakabalik.
At ang nakita ng security guard, bisikleta at tsinelas na lang.
Marami tuloy ang naalarma sa nasabing area sabay babala sa mga kalapit community na mag-ingat dahil mukhang may namumuo na namang kidnap-for-ransom group.
Sabi nga ng mga homeowner, bakit daw kapag papalapit ang eleksiyon nagkakaroon ng mga KFR?!
Sa panahon ngayon na ang buong mundo ay nanatiling nakaharap sa pandemya, isang malaking trahedya kung mabibiktima pa sila ng KFR, lalo’t maraming negosyo ang nagsara ngayon.
Dapat siguro nating tanungin ang intelligence group ng PNP na ngayon ay pinamumunuan ni Gen. Debold Sinas.
Ano po ba ang namo-monitor ng PNP ngayon?!
Siyempre maraming biktima ng KFR ang hindi magsusumbong dahil ayaw nilang malagay sa panganib ang kanilang mga kaanak.
Pero sana naman ay mabigyan ng kapanatagan ng PNP ang mga homeowners o pamilya na target ng KFR.
Sabi nga, ang intelligence group ng PNP ay tiyak na may impormasyon kung gaano kaagresibo ang KFR groups sa ganitong panahon.
Makaaasa kaya sila sa inyo Gen. Sinas?!
Sa homeowners o mga negosyante na target ng KFR, doble ingat po.
Kuwidaw, eleksiyon na naman.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap