SA 10 pelikula na kabilang sa Metro Manila Film Festival, apat ang masugid na tinatangkilik ng ating mga kababayan.
Ito ang Fan Girl nina Paolo Avelino at Charlie Dizon na Best Actor at Best Actress sa Gabi Ng Parangal; Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandang Itim ni Vhong Navarro; The Missing na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Miles Ocampo, at Joseph Marco; at ang Isa Pang Bahaghari with Nora Aunor and Philip Salvador.
‘Yung anim na natira ay so-so lang daw ang kita sa digital edition ng festival na mapapanoood via Upstream.ph. Ang nakalolokah, hindi na nga kumikita ang mga pelikula rito ay agad pang na-pirate at lantarang ibinebenta sa ibang stream na ninakaw na yata ang kopya ng lahat ng entries sa MMFF.
Kaya ang mga producers nito ay sabay-sabay raw na dudulog sa Camp Aguinaldo para ireklamo ang mga taong nasa likod ng piracy. Grabe, hindi naman sila ang namumuhunan pero nagagawa nilang makapagbenta ng tickets sa tao. Dapat sa kanila ay makulong.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma