Monday , December 23 2024

31 law breakers nalambat sa Bulacan (Sa unang araw ng 2021)

ARESTADO ng mga awtoridad ang 31 kataong lumabag sa batas sa isinagawang anti-crime operations sa lalawigan ng Bulacan nitong 1 Enero.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa nadakip ang 12 drug personalities sa magkakahiwalay na  buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforce­ment Units ng Balagtas, Pandi, at Meycauayan municipal/city police stations.

Nakuha sa mga suspek ang 16 selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang kahon ng cellphone na naglalaman ng tuyong dahon ng mari­juana, drug paraphernalia, at buy bust money.

Nadakip din ang suspek na kinilalang si Leo Manalaysay dahil sa ilegal na droga sa Brgy. Sta. Barbara, sa bayan ng Baliwag, matapos masita ng mga nagpapatrolyang barangay tanod sa hindi pagsusuot ng facemask.

Nang kapkapan at imbestigahan, nasamsam mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu kaya ipinasa siya sa Baliwag MPS para sa interogasyon.

Samantala, sa ikina­sang anti-illegal gambling operation ng mga operatiba ng San Jose Del Monte CPS, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 301st Regional Mobile Force Batallion (RMFB) 3 sa Brgy. Graceville, sa lungsod ng San Jose Del Monte, nadakip ang 10 kataong nagtutupada.

Timbog din ng Bulacan police katuwang ang mga barangay tanod sa pagtugon sa iba’t ibang insidente ng krimen ang anim na suspek sa mga bayan ng Bocaue, Guiguin­to, Marilao, Norzagaray, Pandi, at lungsod ng San Jose Del Monte.

Nadakip ang tatlo sa kasong Acts of Lasciviousness, samantala ang tatlo ay arestado sa mga kasong Frustrated Murder, Rape, at Physical Injuries kaugnay sa RA 7610 (Child Abuse Law).

Nakorner ang dalawa kataong matagal nang pinaghahanap ng batas sa bisa ng warrant of arrest ng tracker teams ng Obando at San Jose Del Monte CPS katuwang ang mga elemento ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), 301st RMFB 3 at 24th Special Action Company.

Nahaharap ang mga akusado sa mga kasong paglabag sa Section 10 (a) ng RA 7610 at Attempted Murder.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *