Thursday , November 21 2024

Mga bayani ng Covid-19, pinarangalan ng Ginebra Ako Awards—pix of the awardees

PINARANGALAN ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang ilan sa mga maituturing na bagong bayani ng Covid-19 sa katatapos na  Ginebra Ako Awards Year 3: Pagkakaisa sa Gitna ng Pandemya na ipinalabas sa isang virtual ceremony sa official Facebook page ng Ginebra San Miguel.

Bagamat may pandemya, ipinagpatuloy ng GSMI ang taunang Ginebra Ako Awards dahil mas lalong mahalagang kilalanin at bigyang parangal ang mga Filipinong nagpamalas ng pambihirang pagmamalasakit sa kapwa sa panahong ito para magsilbing inspirasyon sa nakararami.

Ang mga katangi-tanging Pinoy at organisasyon na pinarangalan para sa kanilang kontribusyon ngayong panahon ng pandemya ay sina Martin Xavier Peñaflor, Chief Executive Officer ng Tangere para sa Pilipino Ako Award; Minnie Pascual Klepacz, isang nurse mula sa United Kingdom at isa sa mga nanguna sa pagtatag ng Black Asian and Minority Ethnic (BAME) Network at Filipino Nurses Association United Kingdom (FNA-UK) para sa Matapang Ako Award; at ang Emergency Quarantine Facility Project nina Dr. Glenn Angeles at Architect William Ti para sa Lalaban Ako Award.

Ang mga runners-up sa bawat kategorya ay pinarangalan din. Ito ay sina Sr. Corrie Evidente, Hospicio de San Jose administrator (1st runner-up) at Ma. Cristina C. Evangelista, Rapid Deployment Hospitals founder at project head (2nd runner-up) para sa Pilipino Ako Award; Zion Enrico Roque Licup, iUplift Philippines Co-founder (1st runner-up) at Coleen Danielle Natividad, Food For Frontliners PH Founder (2nd runner-up) para sa Matapang Ako Award; at Anthony James Bautista, Ph. D ng LISA Logistic Indoor Service Assistant Robot (1st runner-up), at Dr. Francis Aldrin Uy ng USHER Technologies (2nd runner-up) para sa Lalaban Ako Award.

Ang lahat ng pinarangalan ay nakatanggap ng cash prize kasama ang tropeo para sa mga nanalo, at certificate naman para sa mga runners-up.

Para kay Matapang Ako awardee Minnie Pascual Klepacz na mula sa UK, naramdaman niya na higit na mas kailangan ngayong pandemya ang malasakit at pagkukusa para mas matulungan ang mga kapwa Filipino.

“At kahit na pagod, hindi mo mararamdaman ang pagod ‘pag nakikita mo silang masaya tapos kapag nakikita mong gumagaling at bumabalik na sila sa trabaho. ‘Yun ang talagang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Kailangan mong tapangan ang sarili mo,” ani Klepacz.

Ipinahayag naman ni GSMI General Manager Noli Macalalag na ang mga layunin at adbokasiya ng mga kinilala sa Ginebra Ako Awards ay sumasalamin sa tunay na diwa at kahulugan ng Ginebra San Miguel.

“Sa pamamagitan ng munting pagkilalang ito, kayo nawa ay lalo pang maging ganado at lalo pang maging matapang na ipagpatuloy ang inyong mga adhikain. Sana kayo rin ay magsilbing inspirasyon at maging daan sa pagkakaisa ng lahat para sa ating iisang hangarin – ang maiangat pang lalo ang mas nakararaming Filipino,” giit ni Macalalag.

Sa loob ng 186 taon, ang Ginebra San Miguel ay naging kabahagi na ng buhay ng mga Filipino. Bilang isa sa pinakamatatag na liquor beverage brand sa bansa, ang Ginebra San Miguel ay naging simbolo na rin ng kahusayan, katatagan, katapangan, at pagkakaisa ng mga Filipino, mga katangiang dinadala rin ng Ginebra Ako awardees. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *