Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pantasya ng boys noon, muling mapapanood sa POPTV (P49 lang, unli na ang POPTV streaming mo!)

MULING mapapanood ang mga certified pantasya ng bayan noong 90s hanggang early 2000 na sina Joyce Jimenez, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario, Aubrey Miles, Rosanna Roces, at iba pa sa bagong mobile streaming app na POPTV.

Una nang bumabandera ang nakakapag-init ng laman ngunit de kalibreng pelikula ni Erik Matti na Scorpio Nights 2 tampok ang original pantasya ng bayan na si Joyce at aktor na si Albert Martinez. Talaga namang tumatak sa lahat ang mapangahas na kuwento ng isang kolehiyala na inakit ang kanyang Physics teacher.

Mapapanood din si Joyce sa pelikulang Balahibong Pusa katambal ang tinaguriang ‘Totoy Mola’ at original naman na pantasya ng kababaihan na si Jay Manalo.

Hindi rin magpapahuli si Rosanna dahil hindi lang isa kung tatlo sa kanyang mga pelikula ang mapapanood sa POPTV. Nariyan ang  Curacha: Ang Babaeng Walang PahingaMga Lalaki sa Buhay ni Selya, at Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin.

Kung na-miss niyo naman ang Viva Hot Babes, muli niyo ring matutunghayan ang Gamitan ni Maui, Sukdulan ni Katya, Lupe: A Seaman’s Wife ni Andrea, at Room 213 ni Gwen Garci.

Nasa listahan din ng mapapanood ang Sex DriveTorototAng Huling Birhen sa Lupa, at Hibla.

At last but not the least, stream all you want ka rin sa mga pelikula ni Aubrey Miles na Prosti at Xerex.

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan. Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …