SANG-AYON kay Ian de Leon, mas pipiliin raw ng kanyang pamilya na mabuhay sa katotohanan kahit masakit at mahirap lunukin, kaysa raw mabuhay na lahat nang nakikita ng tao, masaya, pero deep inside, kapag nasa kuwarto na, umiikot pa rin daw ang ulo niya sa mga sinasabi ng mga tao.
Muli ay kinausap ni Ian ang kanyang ina sa camera in his own vlog.
“Mommy, sobrang mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita.
“Hindi ko ipagpapalit ang buong mundo para sa ‘yo, alam mo ‘yan. Lahat ng mga tiniis namin, buong buhay namin, mga kinikimkim namin, dahil mahal ka namin, e.
“Mahal kita, ibibigay ko ang buong buhay ko para sa ‘yo.”
Gusto raw ni Ian na kapag nagkikita sila, ‘yung sila-sila lang.
Ayaw raw niyang may mga ibang taong nasa paligid nila at nakikita ang lahat ng kanilang ginagawa.
Anyway, sa kuwento naman ni Nora Aunor sang-ayon sa manunulat na si Rodel Fernando, hindi raw sinipot ni Ian ang birthday dahil inatake ito ng gout.
Maaga pa naman daw nag-prepare si Nora at sumalang sa isang interview bago ang 6:00 p.m. birthday party ni Ian.
Two hours prior to the party, Ian texted that he could not come because of gout attack.
In fairness, Kenneth came with his wife Sam.
Anyhow, dahil hindi nga nagpunta si Ian, naging advanced holiday party na lang daw tuloy ang nasabing okasyon kasama ang ilang fans at kaibigan na pinapunta ni Nora at the last minute.
At any rate, hurting raw si Ian dahil pagkatapos ng phone call nila ng kanyang ina, kinabukasan ay nagtanong raw ito sa text: “Anak, puwede ko bang i-vlog yung pinag-usapan natin?”
At this juncture, inamin ni Ian na ginawa na lang niyang dahilan ang kanyang gout kaya hindi siya pumunta.
Nabanggit rin ni Ian ang write-up ni Rodel Fernando, tumatayong publicist ni Nora, at sinabi nitong dapat raw alamin muna ang buong katotohanan bago siya magsulat.
Ano naman ang katotohanang sinasabi ni Ian?
Nag-request raw si Nora kung puwede bang papuntahin ang isang tao na hindi maganda ang relasyon sa kanyang mga anak.
Hindi man aminin ni Ian, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi smooth-sailing ang relationship ng mga anak ng Superstar sa kanyang long-time companion na si John Rendez na bago pa man siya manirahan ng limang taon sa Amerika at bumalik sa Filipinas last 2011, si John na ang kanyang constant companion.
Nakikiusap din si Ian sa kanyang ina na bigyan naman ng pagkakataong alagaan siya ng sarili niyang pamilya.
“Pakiusap ko lang, bigyan mo naman ng chance ang family mo.
“Ilang taon na kayo, Ma. Bigyan n’yo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw.
“Pakiusap, Ma, ang mga tao sa paligid n’yo, alisin n’yo na ‘yan.
“Pamilya mo naman. Nakikiusap ako bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo.”
Sa susunod raw niyang birthday, ang hiling niya ay hindi magarbong handa. Ang gusto raw niya ay maging Nora Cabaltera Villamayor ang mom niya at hindi si Nora Aunor.
Oo nga’t na-appreciate naman daw niya ang gesture na ginawa ng kanyang ina, pero tulad nga ng una niyang nabanggit, magkita-kita raw sila nang tayo-tayo lang.
For the umpteenth time, nilinaw ni Ian sa mga nanonood na mahal na mahal niya ang kanyang ina at sana nga raw ay nagsalita kaagad siya tungkol sa kanyang katotohanan.
“Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, sana hindi na lang ako nagpadala sa takot, nagpadala sa intriga.
“Sana, hindi na lang ako umupo sa isang tabi at tinignan ang mga nangyayari sa harapan ng mga mata ko, ilang taon hanggang ngayon.”
Ang Christmas wish raw ni Ian this Christmas ay makapag-usap sila ng kanyang ina.
Itong Christmas, wish raw niya na mag-usap sila nang masinsinan.
‘Yung sila lang daw please. Kahit over the phone, basta mag-heart-to-heart talk.
No cameras supposedly. Just an intimate conversation.
Iyan daw ang promise ng kanyang ina before his birthday. Sinabi raw nitong, ‘Promise, anak, tayo-tayo lang.’
“Everyone has to know the truth,” he asseverated. “Everyone has to understand, everyone has the right to know.”
Bago pa man matapos ang kanyang livestream, may mensahe pa rin si Ian para sa kanyang ina.
“I love you, Ma, and take care always, Ma. I’ll be talking to you, sabihin n’yo na lang sa akin over the phone.
“Sana… basta mag-usap na lang tayo, Ma, soon.
“I wish to see you, I miss you. Mahal na mahal kita and sorry kung ‘di ko nakayanang pumunta sa hinanda niyong celebration para sa akin. I really do appreciate that.”
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.