Ongoing pa rin ang dance contest sa Eat Bulaga na Social Dis-Dancing. At dahil yuletide season na at panahon ng christmas carolling ay inilunsad ng Eat Bulaga ang latest segment nilang “Social Distan-Sing” kung saan pwedeng sumali ang pamilyang Pinoy.
At araw-araw ay dalawang pamilya o grupo ang maglalaban na ang tatanghaling winner ay pwedeng manalo ng tumataginting na 10,000 Cash.
Pero dapat sa mga sasali ay maging creative hindi lang sa costume na gagamitin ng bawat isa kundi sa choreography habang nagpe-perform ng inyong napiling awiting Pamasko.
Sina Dabarkads Allan K, kasama sina DJ Malaya at BakClash Grand winner Echo ang mga host ng said portion.
10K is 10K na pwedeng niyong panghanda sa noche buena.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma