Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Flora Vida Home ni Marian Rivera, tunay na maipagmamalaki

BUKOD sa pagiging mahusay na actress at TV host, pagdating sa negosyo ay napakasobrang creative ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. At kahapon dahil isa sa deboto ay isinabay ni Marian sa Feast of Immaculate Concepcion ang paglulunsad na mga bagong produkto na mabibili sa kanyang Flora Vida Home and as I’ve heard marami agad orders specially sa classy na chair and pillows na may tatak Flora Vida lalo’t ang supportive hubby ni Marian na si Dingdong Dantes ang magde-deliver sa first orders. May ilan pang items na puwede ninyong ma-order sa Floro Vida website.

“May mga lamp ako, nursery lights, mga furniture marami,” sabi ng magandang aktres sa kanyang virtual presscon na imbitado ang inyong columnist.

At kuwento pa ni Yan-Yan (palayaw ng actress-businesswoman) sa pagta-travel niya noon nakita ang gustong-gusto niyang fabric na nagamit niya sa bagong negosyo.

“Ito kasi ‘yung mga panahong nagta-travel, ako sa ibang bansa. Doon kasi nakapag-e-explore ako. At tumatak sa akin ang mga fabric na ito na linen na rustic-vintage feel na masasabi mo talagang timeless siya.”

Well ang maganda sa kanyang business ay nakatutulong siya sa ganitong pandemya sa ilang workers sa Paete na siyang gumagawa ng ibinebenta niyang furnitures na talaga namang pulido at dekalidad ang gawa.

“Siyempre kahit sino naman ay hindi naging ang ayos ‘di ba (apektado ang lahat sa pandemic). So sa pagkakataong ito, sabi ko nga, ano e, hitting two birds with one stone ako. Gustong-Gusto ko ‘yung fabric from Europe at the same time, nilikha pa rin ng gawang Pinoy na pinagsama ko. So very, very happy ako sa

kinalabasan dahil may touch of Pinoy pa rin at masasabi kong gawang Pinoy pa rin,” pagmamalaki ng mommy nina Zia at Sixto.

‘Yung Flora Vida Flower Shop naman ni Marian na kilala sa preserved and dried blooms ay stable na at sobrang dami na ng client ng actress rito na patuloy na mapapanood sa iniho-host na “Tadhana” tuwing Sabado sa GMA7.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …