Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa namamayagpag sa digital lockdown paradise series sa YouTube (Ipalalabas sa 24 Disyembre)

Kung malas sa iba ang 2020 because of pandemic, sa Canada based filmmaker and producer na si Direk Reyno Oposa ay suwerte ang taon 2020.

Kasi naapektohan man ‘yung movies niya like “Agulo: Sa hinagpis ng gabi” na kinamatayan na ni Kristoffer King at “Silab” na pinagbibidahan ng magagaling na indie actors na ready na sana for showing in cinemas. Nakakuha naman ng ibang career sa digital platform si Direk Reyno, ang pagba-vlog sa sarili niyang YouTube channel na REYNO OPOSA Official at pag-produce at pagdidirek ng iba’t ibang music videos.

At dahil namamayagpag siya rito, patuloy umano ang pag-i-explore ng kaibigan naming director, YouTuber.

May special project siya. Naghahanap ng mga bagong Mukha for YouTube Series, siyempre pinaka-importante sa qualifications ay dapat guwapo at magandang artistahin. Hindi ‘yung dahil sabi ng nanay mo ay pogi ka.

Ipadala ang inyong pictures sa messenger na collabrosartist at abangan ang announcement kung isa ka sa mapipili.

Uso at mabenta ang BL Series ngayon at ito ang pagkakaabalahan ngayon ni Direk Reyno Oposa. Mapapapanood na sa December 24 ang latest project na “Lockdown Paradise” series sa kanyang YT Channel na siya ang sumulat ng story at nagdirek.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …