OPISYAL ng inanunsiyo ng CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na parte na ng pamilya ng Beautederm ang mahusay na actress na si Bea Alonzo. Kaya naman masayang-masaya ito sa pagpayag ni Bea na maging parte ng pamilya ng Beautederm.
Ang pinakabagong produkto ng Beautederm na Etre Clair Refreshing Mouth Spray ang produktong ieendoso ni Bea.
Naaala pa ni Ms Rei na sa pagsisimula ng kanyang negosyong Beautederm, 11 years ago, isa sa pangarap nito ang makasama si Bea bilang bahagi ng kanyang Brand Ambassadors.
Kaya naman dream come true para sa kanya na natupad ang pangarap niya na mapabilang ang mahusay na actress sa pamilya ng Beautederm.
Post nga ni Rhea sa kanyang FB Account, “Napapanood lang kita dati Basha.
At inuulit ulit ko pa nga movies mo eh
Akalain mo o Baby na kita. Nakakachat pa.
“Panaginip ka lang dati eh.
“If you can dream it, you can do it loves!
Kaya laban lang sa buhay, walang sukuan ️.
MATABIL
ni John Fontanilla