Monday , November 18 2024

National artist award ‘di na dapat tanggapin ni superstar Nora Aunor (Para kay John Rendez)

STRAIGHTFORWAD ang pahayag ni John Rendez when asked about his opinion on Nora Aunor’s nomination for National Artist for Film and Broadcast Arts.

“Kung ako sa kanya,” he said without mincing any word, “hindi ko na tatanggapin. Tatanggihan ko na lang.

“Hindi ko na kailangan iyan. Kilala ko na ang sarili ko,” John said in a straightforward manner in a recent interview.

Maiintindihan naman ang sentiments ni John for the simple reason na isa siya sa nadedesmaya every time na nauudlot ang pagbibigay ng naturang parangal sa original Superstar.

“Diyos na po ang bahala do’n,” he further added.

John is in the process of promoting his new single “Think About It,” that he himself wrote and was released by Star Records. Nasa Spotify, iTunes at ilang digital platforms ang naturang kanta.

Nora is the one managing John’s singing career.

Nagpapasalamat daw siya sa walang sawang pagsuporta ng Superstar sa kanyang singing career.

“She’s the boss,” the rap artist said in connection with Ate Guy managing his career.

“Kumbaga, if the boss is happy, everybody’s happy. Gusto ko lang siya maging masaya sa nakikita sa career ko.

“Ako rin, gusto ko rin na maging maganda ang career ko. Para ipakita sa mga tao na ‘yung mga sinasabi nila na…

“Ang mga tao kasi, matagal na sana akong sumuko kung nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila, e.

“I don’t care about they think. I don’t care about what they say. Kasi hindi naman sila ang bumubuhay sa akin, wala naman silang support sa akin.

“So, dito ako sa kung sinong gusto kong kakaharapin ko through thick and thin, walang iwanan,” he added meaningfully.

In ngayon si Ate Guy dahil she has two projects.

Nagsimula na kahapon, 7 Disyembre, on national television, Monday afternoon that is, on GMA ang rerun ng teledramang Bilangin Ang Bituin Sa Langit na isa siya sa mga bida.

Sa pelikula, magtatambal sila ni Phillip Salvador sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *