Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Pinty Gonzaga talent manager na businesswoman pa (May ‘dating’ sa social media)

KAILANMAN ay hindi naging stage mother si Mommy Pinty sa kanyang mga daughter na sina Toni at

Alex Gonzaga na pareho niyang alaga. Of course sa pakikipag-deal sa mga offer kina Alex at Toni

ay always siyang kasama riyan dahil siya nga ang manager pero pagdating sa taping, live show, at

shooting sa pelikula ay never mong makikita si Mommy Pinty, pero sinisiguro naman niya na safe

ang kanyang mga anak at may nagbabantay at umaalalay na mga PA sa kanila.

Saka si Mommy Pinty ay hindi lang talent manager kundi negosyante na sikat sa social media tulad ni Alex at Toni. Yes tuwing guest siya sa vlog ni Alex ay humahamig ng millions of views na 7M to 8M ang episode.

May mga ilang nagsa-suggest nga kay Mommy Pinty na gumawa na rin siya ng sarili niyang vlog at susuportahan siya ng followers ni Alex na nasa mahigit 9 million na ang subscribers sa sariling YouTube channel na ALEX GONZAGA OFFICIAL.

At bongga talaga itong si Alex dahil lahat ng episodes ng vlog niya ay nasa 1.5M hanggang 10M ang views at ‘yung sa kanila ni Yorme Isko Moreno ay

nasa 11 million views na sa YT. ‘Yung collaboration naman nila ni Mr. Raffy Tulfo ay 16M views na and still counting siyempre.

Going back to Mommy Pinty, siya ang namamahala sa negosyo nila nina Toni at Alex na Happy Cup, na parami nang parami ang branches.

Parte rin siya ng TinCan Film Production na nag-produced ng “Mary, Marry Me” na napabilang sa MMFF 2018 na pinagbidahan nina Toni at Alex Gonzaga kasama si Sam Milby at kumita sila ritong magkakapamilya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …