NAKAPAGTALA ang lalawigan ng Bulacan ng panibagong 14 kataong binawian ng buhay dahil sa CoVid-19.
Sa datos mula sa Provincial Health Office hanggang nitong Biyernes, 4 Disyembre, ipinakita na 15 ang bagong kaso ng CoVid-19 sa lalawigan, na nagdala sa kabuuan ng kompirmadong kaso ng Bulacan na 9,312, nasa 544 ang aktibong kaso, samantala ang mga nakarekober ay nasa 8,432.
Sa kabuuan, ang bilang ng mga namatay sa Bulacan sa CoVid-19 ay nasa 336 na.
Patuloy na nagpapaalala sa mga residente ang Provincial Health Office upang sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield gayondin ang ‘one-meter physical distancing’ sa pagitan ng bawat tao.
(MICKA BAUTISTA)