Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
suntok punch

Masahistang live-in inumbag ng musikero (Home service pinagselosan)

KULONG ang isang musikero matapos umbagin ang kinakasamang massage therapist dahil sa umano’y labis na selos matapos tumanggap ng home service ang biktima sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Golpe sarado ang mukha at katawan ng biktimang itinago sa pangalang Jean, 46 anyos, residente sa Barangay Concepcion ng nasabing lungsod na kaagad dinala sa Ospital ng Malabon (OsMa) upang bigyan ng lunas ang mga sugat.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11:00 pm, naganap ang insidente sa kahabaan ng Jacinto St., ng nasabing barangay.

Hindi pa man nakababa sa  sinakyang electronic trike  sinalubong na siya ng kanyang kinakasamang si Diomar Cagud, 39 anyos, musikero, at agad na hinablot sa buhok bago tatlong ulit na pinagsasapak sa ulo.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tumanggap ng home service ang massage therapist sa kabila ng pagtutol ng kanyang kinakasama kaya nang umuwi ng kanilang bahay ay kaagad siyang sinalubong ng galit na galit na suspek at sinaktan.

Kasong physical injury na may kaugnayan sa paglabag sa RA 9262 o ang Violence Against Women and their Children Act ang isinampa ng biktima laban sa kinakasama. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …