Sa tuwing napanonood namin ang Prima Donnas every 3:25 pm, ‘di namin mapigilan ang magtaka kung hindi ba natutuyuan ang tear glands nina Katrina Halili at Jillian Ward sa rami ng luhang dumadaloy sa kanilang mga mata. Aba’y halos maya’t maya ay umiiyak ang mag-ina sa soap na kanilang ginagampanan.
Sa ‘death’ scene na lang ni Katrina the other day, hindi biro-birong luha ang pumatak sa kanilang mga mata.
Kung sabagay, ako nga na hindi naman artista ay hindi ko na lang namamalayang lumuluha na pala ako sa tindi ng mga eksenang pinapapelan ng mag-inang Maye at Lilian.
Pero bilib kami sa dalawang ito. Hindi talaga nauubusan ng luha ang kanilang tear ducts. Kapag kinailangang lumuha sa eksena, mga tunay na luha talaga ang tumutulo sa kanilang mga mata.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, NHong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.