Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

April Boy Regino at April Boys naging parte ng aming buhay noong early 90s

NOONG 1993, ay tandang-tanda ko pa na habang nagpoprograma kami ng Bff kong si Pete Ampoloquio sa DZAM (DZAR na ngayon) ay may tumawag sa amin na tagapakinig raw namin at siya ay si Mommy Lucy Regino na kinuha kaming PRO ni Pete para sa mga anak na sina April Boy, Jimmy, at Vingo na that time ay buo pa as April Boys.

To make the long story short ay nagampanan namin ang pagiging publicist sa grupong sumikat dahil sa una nilang single na tagalog version ng popular japanese song na Kanpai na “Sana’y Laging Magkapiling.”

Nakilala ang grupo nang mag-guest sa show ni Kuya Germs, The Sharon Cuneta Show ni Megastar Sharon at iba pa. At dahil maingay na ‘yung kanta nila, ginamit ito ni Robbie Tan sa buhay pa noong Seiko Films para maging theme song ng movie nina Dawn Zulueta at Gardo Versoza na same title na “Sana’y Laging Magkapiling.”

Pero nagkahiwalay ang magkapatid dahil sa desisyon ni April Boy at nagpatuloy kami sa kanyang pagiging publicist hanggang sa patok nitong “Umiiyak Ang Puso” at “Paano Ang Puso Ko.”

Nagkahiwalay kami ni April Boy sa ilang hindi napagkasunduang bagay, pero amin pa ring sinubaybayan ang kanyang karera na sobrang umangat dahil sa phenomenal hit na “‘Di Ko Kayang Tanggapin” na tumatak sa publiko ang suot na baseball cap at kanyang sariling choreography.

Pero biglang naglaho ang lahat nang dapuan ng malalang sakit ang singer na binawian ng buhay sa edad na 59 nitong November 29, araw ng Linggo, dakong 3:00 ng madaling araw.

Mula rito sa amin sa Hataw, ang aming pakikiramay sa pamilyang naiwan ng hindi lang idolo ng masa kundi maituturing na OPM Icon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …