Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

26th birthday celebration ni Myrtle Sarrosa simple pero very memorable

Sa December 7 pa ang actual birthday ng Kapuso singer-actress na si Myrtle Sarrosa, pero binigyan na siya ng advance party ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdinand Topacio na dinaluhan ng ilang friends from the business and non-showbiz.

Kapansin-pansin ang pagiging blooming ni Myrtle sa kanyang intimate party, ibig bang sabihin nito, ay may inspirasyon ang singer na katatapos lang ng successful niyang first major solo virtual concert na well watched nga at dinumog ng malalaking sponsors.

In fairness, hindi tinipid ang concert at talagang ginastusan ni Atty. Ferdie at live band ang nag-accompany kay Myrtle. Saka sa kabila ng pandemya ay masasabing lucky year kay Myrtle ang 2020 dahil bukod sa nakalipat siya sa GMA, ay alagang-alaga pa siya ng Borracho na si Atty. Ferdie ang head.

Pero true kaya ang chikang ang actress raw ang ‘special girl’ ngayon ng lawyer for all seasons (Topacio). May nakakita kasi sa kanila na kumain sa isang class na resto na sweet raw sa isa’t isa.

Matagal na naming kakilala si Atty. Ferdie at napaka-gentleman niya at sweet talaga sa mga girl na malapit sa kanya.

Parte si Myrtle ng first initial movie offering ng Borracho Film Production na controversial na Mamasapano.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …