Saturday , November 16 2024
Covid-19 dead

2 patay, 2 muling nagposotibo sa Covid-19 (Sa Malabon)

PATAY ang dalawang pasyenteng may CoVid-19 sa Malabon City sa unang araw ng Disyembre, at dalawa rin ang muling nagpositibo sa nasabing sakit.

Ayon sa City Health Department, tig-isa ang namatay sa Barangay Panghulo at Potrero, at sa nasabi rin dalawang barangay nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling dahil muling nagpositibo sa CoVid-19 ang mga pasyente.

Mula 220 ay magiging 219 na lamang ang recoveries sa Panghulo habang mula sa 669 ay magiging 668 sa Potrero.

Samantala, 11 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod at 5,838 ang positive cases, 30 rito ang active cases.

Ang mga bagong nasapol ng CoVid-19 ay mula sa Barangay Longos, 9; at Panghulo, 2.

Sa kabilang banda, 12 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Catmon (1), Dampalit (1), Longos, (8), Santulan (1), at Tonsuya (1).

Umabot sa 5,584 ang recovered patients sa siyudad at 224 ang binawian ng buhay dahil sa pandemya. (ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *