Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces nag-shooting kahit bagyo para sa pelikulang “Anak Ng Macho Dancer” (Sobrang professional)

BURADO na talaga ‘yung dating attitude ni Rosanna Roces na late sumisipot sa taping o shooting during her prime. Mismong si Direk Joel Lamangan ay nagulat.

Na-encounter na ni Direk Joel ang dating ugali ni Rossana sa pelikulang Hustisya kasama si Nora Aunor, pero ngayon sobrang aga na kung dumating sa set nila sa Zambales.

Kinompirma ito ni Mama Jobert Sucaldito na ngayon ay  involve sa production ng bagong movie outfit ni Joed Serrano na GodFather Productions, na kahit daw bagyo ay dumarating sa set si Rosanna.

Nakita nga namin ang post ni Osang sa kanyang FB na tumuloy sila ng kanyang partner/handler na si Boy George (Blessy Arias) sa Zambales kahit na rumaragasa ang typoon Ulysses. Well, since nabigyan uli ng pagkakataon ng kaibigan niyang director at business unit head na si Direk Ruel Bayani, talagang ipinangako na ng friend din naming actress na magiging propesyonal na siya at pinanindigan niya ito.

By the way, martir na asawa ni Allan Paule ang ginagampanan ni Osang sa Anak ng Macho Dancer, na obra nga ni Lamangan at anak ng mahusay na actress dito ang bidang newcomer actor na si Sean de Guzman.

Kasama pala si Rosanna sa movie na “Suarez, The Healing Priest” na si John Arcilla ang bida. Isa ito sa entries sa Metro Manila Film Festival 2020 na idinirek ni Joven Tan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …