Saturday , November 16 2024
dead gun police

Lider ng gun-for-hire group patay sa enkuwentro

 NAGWAKAS ang maliligayang araw ng lider ng isang gun-for-hire group nang mapatay sa pakikipagbarilan sa pulisya sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong hatinggabi ng Martes, 1 Disyembre.

Sa ulat ng CIDG Bulacan kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Rizaldy Gutierrez, 45 anyos, residente sa Concordia Subdivision, Barangay Dulongbayan, sa nabanggit na lungsod.

Napaslang si Gutierrez nang makipag-enkuwentro sa inilatag na buy bust operation ng mga elemento ng CIDG Bulacan dahil sa mga ilegal na armas at paglabag sa RA 10591.

Nabatid, habang nagaganap ang buy bust transaction sa armas ay nakatunog si Gutierrez na operatiba ang kanyang kausap kaya agad na tumakbo sa loob ng kanyang bahay at kinuha ang baril saka pinaputukan ang mga awtoridad na napilitang gumanti na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Napag-alamang si Gutierrez ay sinasabing lider ng gun-for-hire group at sangkot sa extortion activities sa lungsod at mga karatig lugar.

Nasamsam sa crime scene ang isang kalibre .45 at isang kalibre .38 baril na kargado ng bala, at P3,500 buy bust money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *