Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, Jake, Angelica, at Pops sangkot sa pregnancy issue na hindi naman mga buntis  

NAKU, my dear managing editor Ma’am Glo mukhang sinasadya na talaga ng ilang kapwa ko vloggers na magbalita nang magbalita ng fake news sa kani-kanilang vlog at marami na silang nabibiktimang artista.

Gaya ni KC Concepcion na nauna na nilang ‘ipinangalandakan’ na buntis raw kay Piolo Pascual samantala ang totoo ay wala namang balikan na nangyari sa dalawa.

Ngayon ay apat na celebrities ang bagong biktima na sina Sarah Geronimo na buntis raw kay Matteo Guidicelli, Jake Zyrus na aksidente raw na nadisgrasya ng non-showbiz guy, Angelica Panganiban na preggy raw kay Zanjo Marudo, at si Pops Fernandez na buntis rin daw na courtesy naman ni Derek Ramsay.

Saan kaya nanggagaling ang imahinasyon ng fake vloggers na mahilig mameke ng kanilang balita? Mayroon kaya silang mahika? Magsitigil kayo mga fantasyadora.

Ang talagang totoong buntis sa showbiz ay ang millenial Miss Saigon na si Rachel Ann Go sa foreigner hubby na si Martin Spies.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …