Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maitim talaga ang buto!

Grabe talaga ang sama ng character ni Aiko Melendez sa Prima Donnas.

Grabe ang pahirap na ginagawa niya sa character ni Katrina Halili na si Lilian Madreal na kanilang kinokoryente ng kanyang mga kaalyados hanggang mawalan ng malay.

Siyempre pa, kasama ni Aiko (Maria Kendra Fajardo) ang dalawa niyang alagad na tulad niya’y ubod rin ng sama.

Walang magawa si Donna Marie (Jillian Ward) na nakapiring ang mga mata kaya ang pagdaing lang ni Lilian ang kanyang naririnig.

Sa mansiyon naman, nagkainitan sina Donna Belle (Althea Ablan) at Brianna (Elijah Alejo). Akmang babasagin na sana ni Donna Belle ang mamahaling pigurin sa pagmumukha ni Brianna nang dumating si Lady Prima (Chanda Romero) at pinagalitan silang dalawa.

Drama to death na naman si Brianna kaya napaniwala na naman niya si Lady Prima.

Nakapanginginig ng laman ang kawalanghiyaan ni Kendra sa Prima Donnas. Parang ang sarap lamukusin ng kanyang pagmumukha o dukutin ang kanyang mga mata. Hahahahahahahaha!

Ganyan kahusay umarte si Aiko kaya dalang-dala niya kami sa kanyang matataray na eksena sa soap na ito na napanonood araw-araw sa GMA starting 3:25 pm.

Kung hindi n’yo pa ito napanonood, try watching it. Ang huhusay magsiganap ng mga artista, particularly sina Aiko, Katrina, at Chanda Romero.

Agaw-eksena rin ang pag-arte ni Elijah Alejo na gayang-gaya ang pag-e-emote ni Aiko at mararamdaman mo rin ang pag-arte ni Jillan Ward na laging in character.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …