Saturday , November 16 2024
harassed hold hand rape

18-anyos dalaga ginahasa sa banyo (Amaing suspek arestado)

Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng paulit-ulit na panggagahasa sa dalagang anak-anakan sa bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan PNP, ang nadakip na suspek na si Ariel Andres, 48 anyos, residente ng Andres Compound, Bgy. Sta. Cruz, sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, dakong 3:00 ng madaling araw nitong Miyerkules, 25 Nobyembre, naliligo sa banyo ang 18-anyos na biktima nang pasukin at gahasain ng suspek.

Dahil hindi masikmura ang nangyari sa kanya, ipinasiya ng biktima na umuwi muna sa bahay ng isang kaibigan.

Subalit sinundan pa din siya ng suspek at pilit pinauuwi sa kanilang bahay hanggang bumigay na siya at tuluyan na niyang ibinulgar ang mga ginagawang panggagahasa sa kanya ng amain.

Ayon sa biktima, Grade 4 pa lamang siya nang simulang gahasain ng pangalawang ama at ito ay maraming beses nangyari ngunit nanahimik siya sa takot sa mga banta nito.

Agad inaresto ng pulisya ang suspek at ikinulong sa Angat MPS municipal jail habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya sa korte. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *