Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela

P1.2-M patong sa ulo ng suspek (Para sa mastermind na pulis at mga kasama)

MAGBIBIGAY ng P1.2 milyon ang lungsod ng Valenzuela para sa makapagbigay ng impormasyon kung nasaan ang mga suspek sa pagpatay sa isang rider noong Oktubre.

May apat pang suspek ang pinaghahanap ngayon, kabilang ang isang dating pulis na si Patrolman Anthony Cubos, lider umano ng isang criminal gang na tinawag na “Cubos Gang.”

Wanted din sina Rico Reyes, Narciso Santiago, at Joanne Cabatuan na unang tinagurian bilang testigo.

Nasa P300,000 ang patong sa ulo ng bawat suspek na una nang naaresto ang dalawa na kinilalang sina Edgar Batchar at P/Cpl. Michael Castro.

Ayon sa hepe ng Valenzuela Police na si Col. Fernando Ortega, napatay ng mga suspek si Niño Luegi Hernando, isang rider at messenger sa isang kompanya na galing sa banko matapos mag-withdraw ng sahod ng mga kasamahan sa kompanya at paglabas nito ay sinundan ng mga naka-motor na suspek saka binaril.

Pagkahulog sa motor, nag-sign of the cross pa ang biktima bago siya binaril ulit sabay kinhinablot ang motor at ang bag na may lamang higit P442,000.

Nangyari ang krimen sa Paso de Blas, Valenzuela City dakong 4:00 pm noong 9 Oktubre 2020.

Bukod sa robbery, tinitingnan anggulo ang pagiging testigo ng biktima laban sa kinakasama ng isa sa mga suspek.

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, nagba-backtracking din sila para malaman kung may kinalaman din ang mga suspek sa iba pang kaso ng hold-up at pagpatay ng riding-in-tandem sa northern Metro Manila. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …