Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas

Navotas detainees sumailalim sa X-ray at CoVid swab test

NASA 200 detainees sa Navotas ang sumailalim sa X-ray at swab test para sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19).

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa pamahalaang lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Navotas para sumailalim sa chest X-ray bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig.

Ang mga detainee ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police.

“Kinakailangan ng BJMP na ang mga detainee ay ma-X-ray muna bago ipadala sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine. Pagkatapos, dadalhin sila sa Navotas City Jail.

Kapag napag-alaman na may problema sa baga ay ihihiwalay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon,” paliwanag ng alkalde.

Ang mga detainee ay mayroong X-ray sa ilalim ng Project HEAL (HEalthy and Active Lungs), isang programa ng Department of Health at pamahalaang lungsod ng Navotas sa koordinasyon sa USAID at Philippine Business for Social Progress.

“Bagaman ang BJMP ay humiling lamang ng X-ray, isinailalim na rin namin ang mga detainees sa CoVid-19 test upang matiyak na ligtas sila sa virus,” dagdag ni Tiangco.

Hanggang nitong 23 Nobyembre, ang Navotas ay nakapagsagawa na ng 39,980 swab tests o katumbas na 14.9 ng papulasyon ng lungsod.

Umabot na rin sa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recoveries, 57 active, at 157 ang namatay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …