Saturday , November 16 2024
gun checkpoint

Kelot arestado matapos sumibat sa checkpoint (Pulis inagawan ng baril at pinagmumura)

ARESTADO ang isang mister na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang paputukin nang tatlong beses pero nabigo nang masakote matapos sumibat sa checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Pinalad ang suspek na walang suot na helmet na kinilalang si Bright Crisostomo, 20 anyos, residente sa Mabalacat St., 6th Avenue, Barangay 111, dahil hindi siya pintukan ng kabaro ng inagawan niya ng baril.

Dakong 8:40 pm nang takbohan ni Crisostomo ang police checkpoint sa kanto ng M.H. Del Pilar at 6th Avenue streets kaya hinabol ng mga pulis.

Agad nakorner nina P/Cpl. Ram Jorge Venturina at Pat. Emmanuel Gomez, Jr., ng East Grace Park Police Sub-Station 2 pero nang arestohin ang suspek ay  nanlaban at sapilitang inagaw ang service firearm ni Cpl. Venturina.

Itinutok ng suspek ang baril kay Venturina at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo habang nagsasalita na “Pu..ina mo, papatayin kita,” ngunit nasa safety mode ang baril kaya’t hindi ito pumutok.

Kaagad sinunggaban ni Pat. Gomez ang baril hanggang madisarmahan ang suspek saka pinosasan.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel, iniharap ang suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong frustrated murder at paglabag sa Article 151 o Disobedience of Lawful Orders of Persons in Authority or their Agents. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *