Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Biyudong may boga, kulong sa P170K shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang 51-anyos biyudo matapos makuhaan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, residente sa Abby Road 2, Barangay 73, nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng infomation report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Intelligence Section ng Caloocan police hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t isinailalim sa surveillance operation.

Dakong 3:50 am nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy bust operation laban sa suspek sa Abbey Road 2, Barangay 73 na isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaorder sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakompiska sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, cellphone, improvised/homemade handgun, tatlong bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at buy bust money na binubuo ng isang P1,000 bill at 9 piraso boodle/money. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *