Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Silent war’ sa Kamara ‘deadma’ lang sa liderato

MAY namumuong ‘silent war’ sa loob mismo ng ‘alyansa’ ng bagong liderato sa Kamara.

        Ito ang metikulusong obserbasyon ng mga beterano sa Kamara.

        Ang ‘silent war’ sa loob ng House of Representatives sa pagitan mismo ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco ay lumutang matapos maiulat na nagkapikonan ang ilang mambabatas na kinuwestiyon ang pagkakatalaga kay Davao Rep. Paolo Duterte bilang Chairman ng House Committee on Accounts, isa sa makapangyarihang posisyon sa Kamara.

        Sabi nga, ‘tahimik’ ang House Leadership sa isyu pero isang viber message ni Duterte ang kumalat na nagsasabing didistansiya siya sa House Majority resulta ng pagkuwestiyon sa kanyang loyalty.

Nag-ugat ang sinabing ‘silent war’ nang kuwestiyonin umano ni AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin na kilalang supporter ni Velasco ang posisyong ibinigay kay Duterte.

        Sa nakaraang gathering umano ng Velasco supporters sa Rizal Park Hotel noong 10 Nobyembre matapos ang oath-taking kay Pangulong Rodrigo Duterte, nangyari ang tinutukoy na ‘asaran.’

        Sa gitna ng hapunan ay nagbiro umano si Garin kay Duterte na “hindi ka naman bomoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng puwesto.”

        Tila umano hindi nagustohan ni Duterte ang biro hanggang nagkaroon ng komosyon at humantong sa awatan.

        Wow?!

Si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu ang sinasabing isa sa umawat kina Garin at Duterte.

        Matapos ang insidente, isang viber message umano ang ipinadala ni Duterte sa Viber group ng mga kongresista pasado 2:00 am noong 11 Nobyembre, nakasaad sa mensahe ang paghingi ng paumahin sa nangyari.

        “Maraming salamat po sa opportunity, trabaho lang po walang personalan. Sorry to say but I have to distance myself na po pati sa ruling majority ng HOR, ‘ipinahiya at na-question na po loyalty ko. Sa bunganga po ni Cong. Mangudadatu at Congw. Sharon Garin mababalitaan n’yo po ‘yan mamaya agad. So, pinili ko na po, to properly, habang may mukha pa akong maihaharap sa inyo, wait and see na lang po sa Monday,” nakasaad sa mensahe ni Duterte.

Alam lahat sa Kamara na si Duterte ay hindi bomoto kay Velasco nang magkaroon ng speakership row, sa katuwiran na parehas niyang malapit na kaibigan sina Velasco at dating House Speaker Alan Peter Cayetano, gayonman ay nabigyan siya ng puwesto habang umaalma ang mga bomoto kay Velasco gaya ni Garin na walang nakuhang posisyon.

        May kasabihan, walang malaking nakapupuwing, at ang daluyong na mabagsik ay yaong tahimik.

        Bow!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *