Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, positibong makalilikha ng Classic OPM Christmas Song gaya ng “Christmas In Our Hearts” ( 7K Sounds ng sikat na singer)

Tuloy-tuloy ang dating ng entries sa pamamagitan ng email sa 7K Sounds Studio para sa Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs na inorganisa ng isa sa sikat na Star Music artists na si LA Santos, ang founder din ng 7K Sounds katuwang ang very loving and supportive mother na si Madam Flor Santos at Direk Alco Guerrero.

Dapat ay original na pamaskong awitin ang isa-submit mong entry para mapabilang sa pagpipilian at mag-uumpisa na ang contest sa December 4 hanggang December 10. Sa December 11 naman gaganapin ang finals para sa mapipiling winner.

Sa 7,000 original Christmas songs entries ay positibo si LA, na makalilikha sila ng pamaskong awitin na hindi lang papatok kundi magiging classic pa tulad ng “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan na global ang kasikatan at “Pasko Na Sinta Ko” ni Gary Valenciano at iba pa.

Napakatalentado ng Pinoy at siguradong isa sa 7,000 kompositor ay makagagawa nito. Si Gretchen Ho pala ang host ng umeereng digital show ng 7K Sounds na every episode ay may feature entries.

Sa mga gustong humabol you can send your entry to [email protected].

Sa singing career naman ni LA, dalawa sa hit single niya na Hibang at Tinamaan ang mapapanood sa YouTube channel ng Star Music na may 5.88M subscribers.

Mahusay na actor rin si LA Santos at kanya itong pinatunayan sa 2018 movie ni Cristine Reyes na Maria  na matagal ipinalabas sa NETFLIX. This year ay parte si LA ng cast ng Mamasapano movie na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, JC De Vera et al.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …