Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Frontliners sa BoC-NAIA ‘nganga’ sa DBM

NAGMISTULANG walang bilang sa pambansang antas ng pamahalaan ang mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

        Ito ang pakiramdam ng mga mga taga-BoC-NAIA dahil hanggang ngayon, wala silang natatanggap na hazard pay at/o overtime pay mula pa noong enhanced community quarantine (ECQ) hanggang ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang antas ng pandemya.

        Para bang ang mga taga-BoC-NAIA ay hindi kabilang sa frontliners na kung tutuusin ay first line of defense dahil sila ay isa sa mga ahensiyang nakapronta sa paliparan.

        Sa totoo lang sila ang mga unang napuputukan kapag may nakalulusot na lumalabag sa health protocol ngayong panahon ng pandemya.

        At sila rin ang posibleng madaling mahawa kung may mga pasaherong ‘carrier’ ng coronavirus o CoVid-19. Pero mukhang ‘taken for granted’ lang ang mga taga-BoC-NAIA sa Department of Budget and Management  (DBM) dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap kahit isang kusing para sa hazard pay at overtime pay.

        Ang tanong nga ng mga taga-BoC-NAIA, “Kasama ba kami sa listahan ng frontliners na dapat paglaanan ng hazard at overtime pay ng DBM o ‘nganga’ lang kami kahit hanggang ngayon ay may pandemya pa rin?”

        Wazz up DBM?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …