Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban at Andrea Torres kapwa iniwan ni Derek Ramsay (Pareho ng kapalaran)

ALTHOUGH wala pang confirmation sa pamamagitan nina Andrea Torres at Derek Ramsay na sila ay hiwalay na, maraming netizens, ang naniniwala na split, na ang dalawa at ibinase nila ito sa  social media accounts ni Andrea.

Burado na ang lahat ng post ng pictures nila ni Derek, at ini-unfollow na rin ng Kapuso actress ang hunky actor na kanyang live-in partner sa loob ng dalawang taon.

Ang nakalolokah, sa ipinagawang super laking bahay ni Derek, ay may share raw rito si Andrea. Puwede pa kaya niya itong mabawi o hahayaan na lang niya. Pero malay ba natin kung magkabalikan pa silang dalawa ni Derek. Ang masaklap ay parehas ang naging kapalaran ni Andrea at Angelica Panganiban kay Direk. Ang ipinagkaiba lang ay mas matagal sila ni Angelica compared to Andrea na magti-3 years pa lang ang relationahip sa actor.

Well, ganyan naman raw talaga itong si Derek, once na hulog na hulog na ang loob sa kanya ng girl, at naghahanap na ng kasal ay basta-basta na lang niya iniiwan ang karelasyon sa ere. Wala namang dapat ikatakot si Andrea, at sa taglay na ganda at kaseksihan ay maraming Papa ang magkakagulo sa kanya.

Nagkasama pala noon sina Andrea at Derek sa Kapuso Teleserye, na “BETTER WOMAN” at dito inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …