Saturday , November 16 2024

Reservoir hiniling ng Bulacan (Para sa sobrang tubig sa 3 dam)

IGINIIT ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa pamahalaang nasyonal na isama sa mga prayoridad ang konstruksiyon ng mga reservoir upang maipon ang mga sobrang tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan.

Ito ay upang maisakatuparan ang proyektong ilang dekada nang pinag-uusapan at ipinapanukala upang tuluyan nang maresolba ang matagal nang problema ng pagbaha sa Bulacan tuwing may kalamidad.

Nagbunsod ang pakiusap ng gobernador ngayong marami ang pinakawalang sobrang tubig mula sa mga dam ng Angat, Ipo sa Norzagaray, at Bustos Dam sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Ayon sa gobernador, hindi biro ang dami ng tubig na nasasayang at itinatapon lang habang kinakapos ang patubig para sa mga magsasaka tuwing tag-araw.

Batay sa datos ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Felicisima Mungcal, naglabas ng tubig ang Angat Dam ng 133 cubic meter per seconds (cms) noong madaling araw ng 12 Nobyembre sa pagpasok ng bagyong Ulysses at nasundan pa ng 120 cms makalipas ang 12 oras sa araw ding iyon.

Sa Ipo Dam, umabot sa 5,638.77 cms ang pinakawalang tubig noong 9 Nobyembre, ilang araw pagkaraan ng bagyong Rolly, hanggang sa paghagupit ng bagyong Ulysses nitong 12 Nobyembre.

Dagdag ni Fernando, kung maiimbak lamang sa isang reservoir, hindi ganito karami ang tubig na natatapon papunta sa Manila Bay.

Nauna nang ipinanukala ng Kapitolyo sa nakalipas na mga dekada na magkaroon ng isang water reservoir sa Candaba Swamp upang dito maiimbak ang mga sobrang tubig mula sa nasabing mga dam kaysa padaluyin sa mga ilog na nagdudulot ng pagbaha.

Sa mga sobrang tubig naman mula sa Bustos Dam, nais ng gobernador na matuloy na rin ang kombersiyon ng Bayabas River sa bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT) upang maging dam.

Mula rin noong 9 Nobyembre, hanggang sa pagdaan ng bagyong Ulysses noong 12 Nobyembre, nasa 7,079 cms na ang dumadaloy na sobrang tubig mula sa Bustos Dam.

Kung ito aniya ay maiipon sa planong Bayabas Dam, karagdagang patubig din ito para sa mga magsasaka. (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *