Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP & COO ng TAPE Inc., sinorpresa ng bff na si Roselle Monteverde at Sen. Jinggoy Estrada

EVERY year ay talagang fabulous ang birthday celebration ng well-loved sa showbiz industry na si Ma’am Malou Choa-Fagar at well-attended rin ng kanyang mga kaibigang celebrities, talent managers, at mga alaga.

Pero this year dahil nariyan pa rin ang pandemyang CoVid-19 at sumusunod si Ma’am Malou sa health protocol na bawal pa ang mass gatherings (maramihang bisita), hindi siya nagdaos ng bonggang party pero sinorpresa naman siya ng intimate na tipar ng kaibigang lady producer na si Ms. Roselle Monteverde.

Idinaos ito last November 11 sa 38 Events Place sa Valencia na pag-aari ni Mother Lily Monteverde, kilalang bff rin ng birthday celebrant, na Vice President at COO ng Tape Inc., na produ ng Eat Bulaga.

Sa nasabing celebration ay muling nakasama ni Ma’am Malou ang kanyang mga kagrupo sa kanilang Wednesday Club na noong wala pang pandemic ay weekly silang nagkikita. Bale nagsilbing reunion ito ng grupo. Dumalo rin si Sen Jinggoy Estrada upang batiin nang personal si Ma’am Malou.

Bale 41 years na bilang bise presidente at chief operation officer (COO) si Ma’am Malou na kilala ring sikat na talent manager and wow at her age ay hindi pa rin kumukupas (ageless) ang beauty ng isang bigwig ng Tape Inc.

E kasi naman, mabait, maganda ang PR at kindhearted. God fearing person rin kaya blessed ng maraming blessings. November 12 ang eksaktong birthday ni Ma’m Malou.

From all of us here at HATAW, happy natal day to you Ma’am Malou Choa-Fagar.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …