Saturday , November 16 2024

Pulis-Bulacan, todas sa ambus suspek tinutugis

PATAY ang isang pulis-Bulacan matapos tambangan ng mga hindi kilalang suspek habang lulan ng minamanehong sasakyan sa bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 14 Nobyembre.

Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Abdulsamat Saipuddin, 46 anyos, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang nakatalaga sa Angat Municipal Police Station (MPS).

Sa imbestigasyon, nabatid na sakay si Saipuddin ng minamaneho niyang pulang Toyota Innova nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek habang binabagtas ang lansangan sa Bonga Menor, sa bayan ng Bustos, sa naturang lalawigan.

Nabatid na nakasuot ang suspek ng mga bonnet at sakay ng kulay abong Honda Civic sedan na walang plaka, at armado ng M16 rifle, caliber 9mm, at may back-up na dalawang motor­siklong Yamaha NMAX.

Kaugnay nito, inatasan ni Region 3 Police Director P/Gen. Valeriano de Leon ang Bulacan PNP na magsa­gawa ng isang masu­sing imbestigasyon sa naganap na pananambang kay Saipuddin. (M. BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *