Saturday , November 16 2024
arrest posas

Abusadong ina, tiklo sa pulisya (Anak ibinubugaw sa dating asawang dayuhan)

ARESTADO ang isang inang hinihinalang nagbubugaw sa sariling anak na dalagita sa dayuhan, sa isinagawang anti-crime drive ng Bulacan PNP sa lalawigan, nitong Sabado, 14 Nobyembre.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Marilyn Pedrosa, 42 anyos, residente sa Barangay Sta. Cruz 2, sa lungsod ng San Jose Del Monte, lalawigan ng Bulacan, at ina ng menor de edad na biktima.

Batay sa imbestigasyon, unang humingi ng pahintulot ang biktima sa kaniyang ina na lumabas ng kanilang bahay ngunit nagalit ang suspek.

Humantong sa pananakit ang galit ng suspek at pinaghahablot ang damit ng anak at pinaghahampas na nagresulta sa mga pasa sa leeg ng biktima.

Nagsumbong ang isang concerned citizen sa San Jose del Monte City Police Station (CPS) kaya agad nagkasa ang mga awtoridad ng rescue operation katuwang ang social worker na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Sa isang malalimang pagsisiyasat ng pulisya, nabulgar na kinukunan ng suspek ng malalaswang larawan at video ang kanyang anak sa hiling ng isang dayuhan kapalit ng pera.

Napag-alaman din na ang naturang dayuhan ay dating asawa ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

 

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *