Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor gustong magpadirek sa anak na si Ian de Leon (Para sa kanyang huling movie)

MAGANDA ang aura ngayon ni Nora Aunor at good vibes ang hatid nito sa kanyang mga minamahal na

Noranians. At sa pagiging positibo ni Ate Guy, gusto niyang makasama ang panganay na anak na lalaki na si Ian de Leon at iba pang mga anak at kanyang mga apo.

At mangyayari ito sa mismong kaarawan ni Ian

sa December 11, 2020. Sinabi ito ni Ate Guy nang mag-guest siya sa Live Streaming ni Ian sa YouTube channel ng actor, habang nasa lock-in taping ng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit.” Doon, humingi ng tawad ang Superstar sa mga pagkukulang niya sa anak at naintindihan naman siya ni Ian.

Ilan pa sa napagkuwentohan ng mag-ina ang pagbabalik-tanaw ni Ate Guy sa kabataan ni Ian na

napaka-talented ng anak pagdating sa art at drawing and yes, isa siyang painter ngayon.

Naikuwento rin ni Ate Guy ang madalas na pagtetext sa kanya ni Ian at pagpapadala nito ng pictures ng kanyang mga apo kaya kilala niya ang pangalan nilang lahat.

Bago magretiro sa showbiz ay pangarap niyang maidirek siya ni Ian dahil alam niyang may talent sa pagdidirek ang anak. Sobrang flattered si Ian sa mga papuri sa kanya ng kanyang ina kaya speechless raw

siya.

Samantala umani ng maraming views at like ang nasabing guesting ni Ate Guy at may mga nag–

share rin nito. Pangako ng superstar ay magi-guest siya uli sa Live Streaming ni Ian.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …