BINALOT daw ng kaba at pag-aalala ang mga suspendidong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) matapos lumabas sa mga pahayagan na ipatatawag sila sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte any day this week.
Susmaryosep!
Tiyak na ang ilan sa kanila ay dini-dribble na ang yagbols?!
Ang imbitasyon ng Pangulo sa kanila ay sa mismong bibig ni Senador Christopher “Bong” Go nagmula matapos ang isang interview sa kanya.
“Iyong mga suspendido na taga-Bureau of Immigration ay kanyang haharapin ngayong Lunes at kanyang kakausapin,” ayon kay Go.
“Alam ninyo, tuloy-tuloy po ‘yan, papangalanan ni Pangulo sa buwan na ito at sa susunod na buwan, tuwing may makakasuhan at masususpinde ang Ombudsman,” dagdag niya.
In short, pasisikatin at ipakikilala sila ni PRRD sa madalang pipol?!
Well, hindi rin malayo na masasabon ang mga pupuntang opisyal sa palasyo at huwag na silang magtaka kung bukod sa sabon ay baka banlawan pa sila sa laki ng atraso nila!
Sana may Downy rin na anti-bac!
Hik! Hik! Hik!
Ano kaya ang magiging itsura ng ilang maporma at mayabang na Immigration officials na haharap sa ating Pangulo?
Hindi kaya sila maihi sabay utot sa kanilang pantalon?
For sure mayroong magkukulay litson ang pisngi sa isa riyan?!
Araw ng Lunes, 9 Nobyembre, itinakda ang paghaharap ng mga sangkot pati ng Presidente. Isang Letter Directive din na pirmado ni Commissioner Jaime Morente ang inihanda para sa mga pinatawag
Nagsasaad din ito ng safety protocols bago pumasok sa palasyo. Maging ang plaka (plate number) ng kanilang mga gagamiting sasakyan ay kailangang timbrado rin.
Pumarada naman kaya roon ang mga “high end luxury cars” ng ‘pastillas boys’ na nakunan ng video sa kanilang meeting noon sa isang seafood resto sa Macapagal?
Pinakaaabangan kung may ‘guts’ kaya na lumutang sa harap ni Digong itong si Aalias Din Bukol na sinasabing puno’t dulo ng hinagpis ni Chiong at Ignacio?!
Very evident kasi sa salaysay nila na ang ugat ng kanilang sama ng loob ay ang hindi parehas na biyakan o ‘share’ na pastillas sa airport.
BTW, bawal umabsent sa araw na ito since kasong “gross insubordination” ang kahihinatnan ng mga hindi pupunta!
That’s an order guys!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap