Saturday , November 16 2024
dead gun police

Mister nag-amok patay

NAG-AMOK ang isang mister at hinamon ng barilan  ang sinomang makita ngunit namatay matapos barilin ng nag­respondeng pulis makaraang pagbantaan na babarilin ang mga awtoridad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Charlie Cardona, nasa hustong gulang, idinek-larang patay ng Valenzuela City Risk Reduction and Management Office Rescue team sanhi ng tama ng bala sa leeg.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, bago naganap ang insidente, unang nakatanggap ng tawag dakong 2:30 am ang Marulas Police Sub-Station 3 mula sa mga barangay tanod at ipinaalam ang hinggil sa isang lalaki na armado ng baril at pinagbabantaan at hinahamon ng away ang kanyang mga nakasasalubong sa F. Bautista St., Dulo, Brgy. Marulas. Nang respondehan nina P/Cpl. Reynold Panao, P/Cpl. Erickson Barrera at Pat Romel Acas ang naturang lugar, naabutan nila ang suspek na walang suot pang-itaas habang may bitbit na baril kaya inutusan ng mga pulis na bitawan ang baril, itaas ang kanyang mga kamay, at sumuko nang maayos.

Gayonman, hindi pinansin ng suspek ang mga pulis at sa halip ay itinutok nito ang kanyang baril sa mga awtoridad kaya’t napilitan si P/Cpl. Panao na paputukan siya na tinamaan sa leeg. Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, kargado ng anim na bala. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *