Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Makabayan Bloc ‘ipinakakaladkad’ sa imbestigasyon Velasco hinamon

ISA sa mga isyung susubok sa liderato ni Speaker Lord Allan Velasco bilang lider ng Kamara ang hamon na imbestigahan ang Makabayan Bloc kaugnay ng pagsasangkot ng isang nagpapakilalang dating kapre ‘este kadre umano ng mga komunista.

Isa ito ngayon sa kaliwa’t kanang isyung nagsusulputan na dapat harapin ng bagong pinuno ng Kamara.

Kahapon kasi ay tahasang hinamon ng isang Jeffrey “Ka Eric” Celiz, nagpapakilalang dating kadre ng NPA na imbestigahan ni Speaker Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc upang ilantad umano ang kanilang tunay na katauhan.

Bigla tuloy tayong napaisip, para bang ‘Dracula’ ang Makabayan Bloc na nagbabago ng anyo pagdating ng kadiliman?

Hik hik hik!

Ayon kay Celiz, handa siya at ang kanyang mga kasamahan na mga dating kapre ‘este kadre ng CPP-NPA na sabihin ang buong katotohan tungkol sa pagiging umano’y miyembro ng kilusang komunista ng Makabayan Bloc kabilang sina congressmen Gaite, Cullamat, Zarate, Elago, Brosas, at Castro.

Uy, hindi ba’t nauna nang sinabi ni Speaker Velasco kay Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., na kung walang ebidensiya ay huwag mag-akusa at kung mayroon naman ay magsampa ng kaukulang reklamo sa korte?!

Sabi ng kapre, este dating kadre, “Speaker Lord Allan Velasco, I request, we request, let’s suspend the rules in Congress and we will face them — face to face without parliamentary restrictions, and let us speak to the nation through your Congress, through our Congress.”

Request ba ‘yan o utos, Mr. Ex-Kadre?

Paano kasi todo-todo ang ginawang banat ng mga dating kadre ng CPP-NPA sa Makabayan Bloc sa isang press briefing. Inakusahan pa ni Celiz ang mga nasabing kongresista na ginagamit ang pera ng bayan para isulong ang kanilang mga adhikain na laban sa bayan at laban sa mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kaya parang nanggagalaiting nag-privilege speech si Celiz na sinabing: “Hindi ko alam kung tama ako Speaker Velasco, Sir, every congressman o congresswoman tumatanggap ‘yan ng 68 million na budget every year. It is a budget for your consultants, office, sahod, at iba pa. And yet, we are paying them inside Congress to do nothing but to attack, malign, and subvert the authority of the government and bastardize the democratic institutions like the Congress that we have.”

Parang may kakaibang simoy ng hangin tayong nararamdaman.

Papatulan ba kaya ni Speaker Velasco ang panawagan o mananahimik na lamang?

Inuulit ko lang, kamakailan lang ay idinepensa ni Velasco ang Makabayan Bloc mula sa sinasabing “red-tagging” ni Lt. Gen. Parlade, tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Nanindigan si Velasco na hindi dapat bumabanat si Parlade laban sa Makabayan Bloc kung wala naman siyang ebidensiya, at kung mayroon man dapat ay dalhin niya ito sa korte at doon magreklamo.

Aba, biglang Speaker nga naman ay responsibilidad ni Velasco na pangalagaan ang karapatan ng mga miyembro ng Kamara.

Pero, alam kaya ni Velasco na mismong si Pangulong Duterte ang nagtatag ng grupo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na kasapi si Parlade? Nakalimutan na kaya ni Speaker na ‘kumukulo’ ang dugo ng Pangulo sa kilusang komunista? Ano ang ibig sabihin ng pagtatanggol niya sa Makabayan Bloc at naisip na rin ba niya kung ano ang magiging reaksiyon ng Malacañang sa ginagawa niya?

Abangan natin ang susunod na kabanata. Dito natin malalaman kung ano ang aksiyon ng Kamara sa maiinit na isyung kanilang kinakaharap ngayon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *