Saturday , November 16 2024
suntok punch

Laborer bugbog sarado sa lasing

BUGBOG-SARADO ang lasing na construction worker habang kalaboso ang lasing niyang kapitbahay matapos ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kahapon  ng madaling araw.

Nakaratay pa sa Valenzuela Medical Center  (VMC) ang biktimang kinilalang si Jovic Altoveros, 43 anyos, ng Baldomero St., Barangay Coloong 2 matapos grabeng mapinsala sa mukha at ulo.

Agad nadakip ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay at Valenzuela City Police ang suspek na si James Patrick Fermin, 28 anyos,  kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar na nahaharap sa kasong serious physical injury.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega, dakong 2:30 am nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktimang si Altoveros.

Nasa loob umano ng kanyang bahay si Altoveros nang marinig niya ang pag-iingay sa labas ng suspek kaya’t lumabas upang sitahin ang kapitbahay na humantong sa kanilang komprontasyon.

Nang mairita ang suspek, pinagsasapak nang paulit-ulit sa mukha ang biktima hanggang dumating ang mga tauhan ng barangay at pulisya.

Nang dalhin ang dalawa sa pagamutan, kapwa nagpositibo sa alcoholic breath examination kaya’t dinala na sa tanggapan ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela police si Fermin habang inoobserbahan ang kalagayan sa pagamutan ni Altoveros. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *