Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy nasa Facebook na, YouTube channel mapapanood na rin (Para sa kanyang Noranians)

ACTUALLY, matagal nang inaawitan si Nora Aunor ng kanyang mga tagahanga na maging active siya sa

social media. Hindi lang dahil ito ang uso kundi gusto ng fans na malaman ang lahat ng activities ni Ate Guy, kasama na ang pagbabalik-taping para sa teleserye sa GMA7 na Bilangin Ang Bituin sa Langit.

 

Finally ngayon ay pinakinggan at binigyang katuparan na ni Ate Guy ang request ng kanyang Noranians at yes magiging active na sa Facebook ang multi-awarded actress (local and international) at may sariling YouTube channel na rin — ang Nora Aunor Official.

 

Nang i-check namin ay mabilis ang pag-akyat ng bilang ng subscribers ni Ate Guy at ang daming likes, comments, at shares agad sa mga posted niyang photos and videos.

 

Ibig sabihin ay buhay na buhay pa rin ang fans ng nag-iisang superstar sa buong mundo. Aming vibes bago matapos ang taong ito ay makikipagsabayan rin si Ate Guy sa mga sikat na celebrity vloggers sa bansa. Yes sa rami ng kanyang fans ay hindi imposibleng mangyari ito.

 

Kagabi, November 1 ay inumpisahan na ng Kapuso

actress ang kanyang Facebook Live, kung saan dinagsa siya ng mensahe at tanong. Sa pagpasok sa digital world, isa sa umaalalay kay Ate Guy ang kaibigan niya sa hirap at ginhawa — ang singer-actor na si John Rendez — na active na active rin sa kanyang FB.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …