Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabong manok

5 sabungero arestado sa tupada

 

ARESTADO ang anim na indibidwal nang maaktohan ng mga pulis na nagsasabong sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil sa nagaganap na tupada sa Tercias Compound, Barangay Karuhatan habang naghahanda sa posibleng pananalasa ng malakas na bagyo.

 

Dakong 3:20 pm, sinalakay ng mga operatiba ng SIB sa pangunguna ni P/Capt. Marissa Arellano ang naturang compound na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandro Dela Cruz, 63 anyos, Jeffrey Solambao, 39, Jhun Bugarin, 45, Robertson Mallare, 26, at Joseph Sabaniano, 36, habang nakatakas ang iba pa.

 

Nakompiska ng raiding team ang dalawang panabong na manok na may nakakabit pang tari sa mga paa at P3,300 bet money.

 

 

Sinabi ni Col. Ortega, ang mga naarestong suspek ay iniharap sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng electronic inquest proceedings para sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa paglabag sa social distancing. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …