Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PASTILLAS RACKET BAKIT SUMABOG

MARAMI ang nagtatanong sa atin, kung ano ba talaga ang dahilan at sumabog ang ‘pastillas’ racket o pagpapapasok ng mainlander Chinese for a fee.

Isa lang ang isinagot ko, ang pagiging gahaman sa kuwarta, pera at salapi!

Tinumbok na nga ni whistleblowers Allison “Alex” Chiong at Jeffrey Daldal ‘este Dale Ignacio, ang isyung ito last senate hearing.

Ang lagom o pera na hindi ibinibigay na dapat ibayad sa mga IO na umabot nang P35-M na nasa kamay umano ni Den Binsol.

Wattafak?!

Ang balita, maraming IO ang umangal sa tagal (inaabot ng 1-2 months) bago ibigay ang pera sa kanila matapos paluan o matatakan ang mga Chinese passport.

Sonabagan!

Sabi ni Ignacio, madalas kinakatkong ang pera ng mga IO kay Dennis Robles dahil ang laging alibi nito ay gagamitin sa kampanya ni Red Mariñas.

Anak ng tuta!

Siguro naman natauhan na ngayon si Red Mariñas?!

Ang nagpahamak at naglubog sa kanya ay ang mga nakadikit sa kanya na naging ganid sa pera.

Matapos niyang bigyan ng magagandang posisyon at i-promote ang mga tarantado ay lalong naging ganid sa pera kaya ngayon siya ang nagdurusa at malamang makulong pa?!

Money is the root of all evil…

Tsk tsk tsk…

LIFESTYLE CHECK KAY BUKOL-SOL

SANA’Y magtagumpay ang NBI na matumbok ang isang BI official cum bagman na nagkamal nang husto sa administrasyon ni Red Mariñas.

Not one, not two, but six ang mansion na na-invest ng tarantadong mambubukol!

Pati nga raw ang jowawits nitong Bisor na alyas Malu Ho ay nabigyan ng dalawang haybol!

‘Tang inumin n’yo!

Ganyan kalupit ang nasabing opisyal!

Madali lang ma-identify ‘yan ng NBI kung magtatanong lang silang mabuti sa BI-NAIA.

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …