Saturday , November 16 2024

Gordon hindi natinag sa pangako ng Palasyo na magbabayad sa PRC

HINDI natinag si Senator Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ng gobyerno ang halos P1 bilyon utang ng Philhealth para sa mga isinagawang swab tests.

Hindi tinanggap na garantiya ni Gordon ang naging pahayag ni Pangulong Duterte.

Diin ni Gordon, dapat ay bayaran muna ng PhilHealth ang higit P930 milyong utang sa Red Cross bago nila muling ipagpapatuloy ang swab testing sa mga miyembro ng PhilHealth.

“They should pay the whole amount. Because that’s difficult. We’ll be left in the air. They’ll pay in half, leaving a balance of half a billion pesos — what will happen? That amount is going to increase again,” sabi ni Gordon sa pagharap niya sa media.

Gustong-gusto aniyang ituloy ang pagsasagawa ng swab test ngunit wala silang sapat na pondo para bumili ng testing kits gayondin para mabayaran ang kanilang mga empleyado.

Sinabi ni Gordon, dahil nabawasan ang kanilang CoVid-19 testing kalahati ng bilang ng kanilang medical technicians at empleado ang hindi na pumapasok.

Diin niya, ipinagtataka niya dahil may pera naman ang gobyerno ngunit hindi mabayaran ng PhilHealth ang utang sa PRC.

(NIÑO ACLAN)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *