Monday , December 23 2024

Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP, umabot na sa 168 pelikula pagkatapos ianunsyo ang 23 karagdagang mula sa ABS-CBN at Regal Films

Ang Early Bird Rate period para sa PPP4 Premium Festival Pass ay extended hanggang October 25.

Talagang kasama ang lahat sa “PPP4: Sama All” dahil dalawang pelikula mula sa Regal Films at 21 pelikula mula sa ABS-CBN Films ang idinagdag sa lineup ng ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang kabuuang bilang ng PPP4 films ay 168, may 90 full-length features at 78 short film.

Ang horror film na “Aswang” nina Peque Gallaga at Lore Reyes at ang Chito S. Roño drama na “Signal Rock” ay mula sa Regal Films. Ang “Aswang” ay nasa Genre section at ang “Signal Rock” ay nasa Pang-Oscars section.

Dalawa sa pinakaaabangang ABS-CBN titles sa PPP4 ang “Transit” ni Hannah Espia at “Sila-Sila” ni Giancarlo Abrahan. Nasa Pang-Oscars section ang “Transit” habang kabilang ang “Sila-Sila” sa pinakabagong PPP Premium Selection titles kasama ang restored version ng “Markova: Comfort Gay” ni Gil Portes at “Metamorphosis” ni J.E. Tiglao.

Tatlong restored na obra ng National Artists for Cinema ay idinagdag sa Classics section: “Banaue” ni Gerardo de Leon, “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” ni Eddie Romero, at “Anak Dalita” ni Lamberto V. Avellana. Ipalalabas nang libre ang “Anak Dalita” bilang bahagi ng Sagip Pelikula Advocacy Campaign ng ABS-CBN na may pakikipagtulungan sa LVN Pictures, Inc., upang mapanood ito nang mas nakararami.

Ilan sa mga pinakamamahal na Star Cinema romantic films, na restored versions din, ay kabilang na sa PPP4. Ito ay ang “A Very Special Love” ni Cathy Garcia-Molina tampok sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, “Kailangan Kita” ni Rory Quintos na pinagbidahan nina Aga Muhlach at Claudine Barretto, at “Sana Maulit Muli” ni Olivia M. Lamasan tampok sina Muhlach at Lea Salonga.

Samantala, ang King of Comedy na si Dolphy ay kasama sa Tribute section sa pamamagitan ng restored na “Captain Barbell” ni Jose “Pepe” Wenceslao.

Ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “The PPP4 is a show of solidarity as it gathers 168 films in a grand showcase of Philippine Cinema. I am delighted that the PPP spirit is embodied in this year’s online edition as it brings together the industry and community in one platform to promote the appreciation for Filipino films and help provide support to the film industry badly hit by the pandemic.”

Inaanyayahan ng “PPP4, Sama All!” slogan ang filmmakers, audiences, at iba pang stakeholders ng FDCP na makiisa sa industriya habang patuloy na kinakaharap ang pandemyang CoVid-19.

Idinagdag ni Diño na 100% ng proceeds mula sa sales ng PPP4 Festival Passes ay mapupunta sa producers ng kasaling full-length films.

Tiyak na magugustohan rin ng mga manonood ang 23 karagdagang pelikula sa PPP4, na gaganapin mula 31 Oktubre hanggang 15 Nobyembre sa FDCPchannel.ph platform.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *