Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

5 Tumba sa Covid sa Vale, Malabon (Sa loob ng 24-oras)

APAT na pasyente ang namatay sa loob ng isang araw sa Valenzuela City dahil sa CoVid-19.

Nabatid sa City Epidemiology and Surveilance Unit, 231 ang pandemic death toll sa lungsod haggang nitong 20 Oktubre mula sa 227 kaparehong oras noong  nakalipas na araw.

Umakyat sa 19 ang active cases mula sa 318 paakyat sa 337.

Umakyat sa 7,575 ang confirmed cases mula sa 7,548 at naging 7,007 ang gumaling mula sa 7,003.

Samantala, 203 ang CoVid-19 death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente sa Barangay Longos ang mamatay nitong 20 Oktubre, ayon sa City Health Department.

Nadagdagan ng 25 positibo at sa kabuuan ay 5,329 ang confirmed cases ng CoVid-19 sa lungsod, 141 ang active cases.

Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Catmon (2), Concepcion (2), Flores (1), Hulong Duhat (2), Ibaba (4), Longos (1), Maysilo (1), Muzon (2), Niugan (1), San Agustin (1), Tinajeros (2), Tonsuya (3), at Tugatog (3).

Sa kabilang dako, 12 ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (4), Longos (1), Potrero (1), Tinajeros (1), Tonsuya (2), at Tugatog (1).

May kabuuan nang 4,985 ang gumaling sa COVID sa siyudad. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …