Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DJ musician/businesswoman Liza Javier pararangalan muli sa 19th annual Gawad Amerika

SUKI na ng Gawad Amerika, si deejay-musician businesswoman Liza Javier.

Yes ilang parangal na mula 2015 (Most Outstanding Internet Radio Broadcaster of the Year at Global Internet Radio Broadcaster of the Year) noong 2016, 2017, at 2018 na wagi siyang Mrs. Gawad Amerika at nakasabay ang malalaking pangalan sa showbiz at politika.

Ngayong 2020 ay muling pararangalan si Liza sa 19th Annual Gawad Amerika bilang “2020 Most Outstanding Radio Host in Tokyo Japan” at ito ay dahil sa malaking kontribusyon niya sa broadcasting world.

Gaganapin sa Hollywood, California USA ngayong November 21, 6:00 pm ang awarding sa lahat ng awardees this year at dadalo si Liza para personal na makuha ang kanyang tropeo.

 

“Thank you very much Gawad Amerika for this award. Congatulations to all my co-awardees, at thank you very much, Kuya Sam Azurel, ang galing mo talaga ang ganda…Bravo!” pasasalamat pa ni Liza sa Gawad

Amerika sa post sa kanyang FB account.

 

Taong 2002 itinatag ang nasabing award giving body at ilang Kapamilya at Kapuso stars na ang nabigyang parangalan rito. Samantala nais pasalamatan ni Liza ang dalawa sa kanyang beauty products sponsor na Ruby-Cell (anti-aging) at regular din niyang ginagamit na RIWAY na very effective na pampaganda at pampaputi. Yes lalong tumingkad ang ganda ni Liza magmula nang gamitin niya na ginawa na rin negosyo sa pamamagitan ng online selling.

 

Patuloy na napapakinggan ang deejay singer sa kanyang programa sa tiradabalita.com tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, 12:00 am hanggang 2:00 am, Philippine time.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …