Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Bading natagpuang tadtad ng saksak (Dahil sa masangsang na amoy)

PATAY na dahil sa rami ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ang isang bading sa loob ng kanyang inuupahang tindahan nang umalingasaw ang masangsang na amoy sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

Batay sa nakarating na ulat kay Malabon Police chief Col. Angela Rejano, dakong 1:40 pm nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Emy Yruma, 44 anyos, store owner, sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Don Basilio Bautista Blvd., Barangay Hulong Duhat.

 

Sa inisyal na imbestigasyon nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinal, umalingasaw ang mabahong amoy mula sa loob ng tindahan ng biktima na mula pa noong Sabado ng umaga ay sarado, na napansin ng saksing si Teodoro “Ted” Bernabe, 69, Kagawad ng Barangay Hulong Duhat at residente rin sa naturang lugar.

Dahil dito, nagpasya ang saksi kasama ang mga barangay tanod na sirain ang padlock ng tindahan sa pahintulot ng may-ari ng inuupahang tindahan na si Alberto Bernabe.

 

Nang mabuksan ang roll-up door, tumambad sa mga saksi ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig at namamaga na ang katawan nito kaya’t agad nilang ipinalaam sa pulisya ang insidente.

 

Lumabas sa cursory examination ng nagrespondeng mga tauhan ng NPD-SOCO sa pangunguna ni P/Capt. Sonny Boy Tepace, maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

 

Ipinag-utos ni Col. Rejano sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa ng follow-up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *