KUNG dati ay dinudurog at winawasak ang mga nasamsam na produkto, balak ng Optical Media Board (OMB) na ipamahagi ang mga nakompiskang desktop computers at laptops sa mga estudyante na hindi makabili ng gadgets para sa distance learning.
Nitong nakaraang araw, umaabot sa P200 milyong halaga ng mga nakompiskang computer ang nasamsam ng OMB sa raid sa isang bodega sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan.
Sinasabing luma at gamit na ang mga computer na ini-recycle at may mga bagong sticker ng iba’t ibang brand upang pagmukhaing bago.
Ayon kay OMB Chairman Christian Natividad, galing sa mga bansang Korea, Japan, at China ang mga lumang computer at ipinupuslit sa bansa para i-recycle.
Matapos masamsam ang mga nasabing computer at laptop, sinabi ni Natividad imbes durugin ay kanilang ipamamahagi sa mga estudyante kaya tiyak na mapapakinabangan ang mga nasbaing kompiskadong gadgets.
(MICKA BAUTISTA)