Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, Best Actor in a leading role, lalaban sa malalaking Asian actors sa Asian Academy Creative Gala Night 2020 (Nagbigay karangalan sa ating bansa)

AFTER manalo ng “Pinakapasadong Aktres Sa Teleserye” para sa Pamilya Ko ang kanyang Mother na si Sylvia Sanchez sa 22nd Gawad Pasado Awards ay si Arjo Atayde na actor sa Filipinas, ang kinilala sa international award giving body na Asian Academy Creative Awards 2020.

Yes si Arjo lang naman ang representative ng bansa na “Best Actor In A Leading Role” as Benjo sa iWant series na “Bagman” ng Dreamscape Entertainment.

Hinirang din ang actor na National Winner kaya lumebel siya sa mga sikat na Asian actors na pawang nagkamit na rin ng acting awards at sila ang mga aktor mula sa bansang China, Hong Kong, India, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Taiwan, at Thailand.

Sila ang makatutunggali ni Arjo sa Gala Night ng AACA na gaganapin sa Disyembre. Well for us ay malaki ang laban ni Arjo rito dahil noon pa man ay marami na ang mga pumupuri sa husay at galing niya. Kanya itong napatunayan sa marami niyang proyekto partikular ang longest action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na among the contravidas at naging parte ng serye ay si Arjo (Joaquin) ang pinakatumatak sa televiewers o publiko.

At dito sa Bagman ay right choice si Arjo sa proyekto dahil parang walang actor na babagay sa character niya bilang Benjo na dahil sa kahirapan ay tinanggap ang pagiging Bagman at naging politiko.

We heard na next year ay lalaban din si Arjo sa isang international award giving body na malalaking actors mula sa iba’t ibang bansa naman ang kanyang makatutunggali. Wow, tunay na Pinoy Pride si Arjo Atayde na karangalan ng ating bansa.

‘Yung movie pala ng actor last year sa Regal Entertainment, Inc,. na “Stranded” with Jessy Mendiola ay ipinalalabas sa Netflix.

“Bakit ba?” Pambato rin sa music video ni Direk Reyno Oposa.

Mapapanood sa YouTube channel ni Direk Reyno na Reyno Oposa Official ang isa sa pambato niyang Music Video na “Bakit Ba?” na kanyang idinirek at produced under his independent movie and recording outfit na Ros Film Productions.

At hindi lang behind camera si Direk Reyno sa proyektong ito kundi siya mismo ang kumanta ng nasabing song at may sarili rin siyang music video na mapapanood sa kanyang YT channel. Sa latest MV ng Bakit Ba, ay mapapanood ninyo ang dalawa sa kilalang indie actors led by Tonz Are with Charise Lepiten at napapanahon ang concept ng said music video na marami nang views.

Mala-pelikula kasi ang ginawang atake rito ni Direk Reyno na ngayong October 30 ay magkakaroon ng special Live Streaming sa kanyang channel kasama ang TV5 comedian na si Whamos at social media viral comedian na si Thania Pukutera etc.

Exciting at kaabang-abang nga naman ito, so watch ninyo sila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …